Sunday, July 13, 2008

"Ang Alamat ng Dyamante"



Noong unang panahon sa isang liblib na nayon ay may nakatirang mag asawang mayaman. Pinagkalooban sila ng Poong Makapal ng isang anak na babae. Pinangalanan nila itong Diane. Kahit lingid sa lahat na mayaman sila at nakukuha ang lahat ay lumaki siyang maganda, matalino at mabait na anak at kaibigan. Maraming lalaki ang nag kakagusto sa kanya at ang iba ay galing pa sa ibang lugar. Ngunit ang kanyang puso ay may nilalaman na na isang sikretong pagtingin sa kababata niyang nag ngangalan Mante na anak lamang ng kanilang hardinero. Inililihim niya ito dahil natatakot siya na malaman ito ng kanyang magulang at sisantihin ang pamilya ni Mante sa kanilang bahay upang paglayuin silang dalawa ni Mante.

Dumating ang panahon ng tagtuyot at nangamatay ang mga tanim at alagang hayop. Kasama na rito ang mga pananim ng ama ni Diane. Nabaon sila sa utang pero ito ay nilihim ng magulang kay Diane upang hindi ito mag alala.

Dumating ang panahon na nangutang ng malaking halaga ang magulang ni Diane sa isang mayaman at sakim na negosyante kahit malaki ang interes nito at ito ay pinautang naman. Nagsimula muli ang ama ni Diane ngunit nabigo ito sa pangalawang pakakataon dahil dumating ang malakas na bagyo at nasira lahat ng pananim sa bayan nila. Naging balisa at nanghina ang ama ni Diane.

Ilan buwan na ang nakakaraan ng nangyari ang kalamidad sa bayan nila. Nagkaroon ng isang piging para sa nalalapit na pista ng kanilng bayan. Lahat ng kabataan ay imbitado. Sa gabi ng piging ay magdamag magkasayaw at magkausap sila Diane at Mante. Umamin si Mante na mahal niya ang dalaga simula pa pagkabata. Labis na nagulat si Diane sa narinig niya. Di niya akalain na mahal rin pala siya ng lalaki na matagal niya ng iniirog. Mangiyak ngiyak niyang sinabi kay Mante na mahal na mahal niya rin ito. Pero pinag pasyahan lamang nila na ilihim muna ang kanilng pag ibig dahil maaaring mag dulot ito nang kaguluhan sa pamilya nilng dalawa.

Ilan buwan na ang nakakalipas ng aminin nila ang pag iibigan nila. Isang hapon, may kumatok sa tahanan nila ni Diane, pinagbuksan niya ito at tinanong kung anong nais. Nasabi ng lalaki na nangutang ama ng malaking halga sa kanya at nandito siya upang maningil. Nagulat si Diane. Bumaba ang kanyang ama para makita kung sino ang kanilang bisita. Nagulat rin siya sa kanyang nakita. Nag makaawa ang ama dahil wala talaga siyang maibabayad sa lalaki. Sumagot ang negosyanteng lalaki na si Diane na lang ang ipangbayad sa kanya kung hindi ay mapipilitan siyang isumbong siya sa kinauukulan sabay alis ng lalaki.

Sa kwarto ng mag asawa, iyak ng iyak ang magulang ni Diane dahil ang dalaga na lamang ang natitira sa kanilang kayamanan at nahihiya sila sa kanilang paglilihim sa anak. Maya maya pa ay pumasok si Diane kasama si Mante. Inamin na nila ang kanilang lihim na pagmamahalan at ayaw ng dalaga na magpakasal sa negosyante pinagkakautangan. Nagulat ang magulang ng dalaga ngunit wala na silang magagawa at alam rin naman nilang mabait si Mante.
Kinagabihan ay pinatakas ng mag asawa si Mante at ang kanilang mahal na anak kahit ang kapalit nito ay pagkakakulong nilang mag asawa at dahil alam rin nilang mag asawa na higit nasasaya ang kanilang anak kapiling si Mante kaysa sa sakim na negosyanteng nanggigipit sa kanila.

Habang sila Diane at Mantes ay tumatakbo papalayo sa kanilang bayan, nakita sila ng isa sa mga tauhan ng negosyanteng sakim. Sila ay hinabol at pinaputukan. Sa kasamaang palad tinamaan si Mante s likuran. Malubha ang kanyang sugat halos di na siya makatayo. Iyak na lamang ng iyak si Diane. Hanggang magsalita si Mante na mahal na mahal niya ang dalaga at pinatakbo niya ang dalaga papalayo sa lalaking nang hahabol sa kanila.Kahit labag sa kalooban ng dalaga ay napilitan siyang sundin na lisanin ang kanyang kasintahan. Tumakbo ang dalaga papuntang kagubatan at tuloy tuloy sa pag iyak. Simula noon ay hindi nila nakita si Diane.

Nalungkot ang mga tao sa sinapit ng mabait na si Diane. Hinanap ng mga taong bayan si Diane. Mga ilang linggo na ang nakakaraan sa kanilang paghahanap, may napansin ang mga tao na mga kumikinang na butil ng bato. Nagkalat ang mga ito sa kagubatan, ilog at kweba. Bigla nilang naisip si Diane. Sabi ng mga tao, ito daw ang luha ni Diane, na inaalay sa pagkamatay ni Mante. Ang dalagang may pusong mapagmahal at mapagmalasakit sa kapwa. Sa sobrang ganda ng ugali ng dalaga at sa labis pagmamahal kay Mante ang kanyang mga luha ay naging magandang bato na kahit sa gabi ay labis kung kuminang. Kaya ang batong ito ay tinawag na “Dyamante” bilang pagalala sa pagkawala ni Diane at sa lubos na pagmamahal ni Diane kay Mante .

Ang tunay na pag-ibig ng dalawang tao ay kayang hamakin ang lahat para magkasama lamang sila. Darating din ang panahon na kailangan na nilang magkalayo dahil na rin sa maraming kadahilanan. Kung minsan di maiiwasan na may masamang mangyari sa kanyang minamahal, kahit ito ay lubos na makakasakit sa kalooban niya. At kahit gaano kaganda, katalino at kayaman ang isang tao darating rin ang panahon na iiyak at mararamdaman niya na gusto na niyang bumigay.



-Carolyn A. Abcede

Saturday, July 12, 2008

Alamat ng Taling

Noong unang panahon sa isang maliblib at bulubunduking lugar ay may nakatirang isang pamilya ng mga ita. Isang araw sa pangangaso ng tatay sa kagubatan ay sinundan siya ng kanyang anak na suwail, si Taling. Si Taling ang nag-iisang anak ng kanyang mga magulang, siya ay isang makulit at suwail na anak, hindi sumusunod sa kanyang mga magulang at mapangmata sa mga bagay-bagay at tao.
Inutusan siya ng kanyang ina na kumuha ng mga panggatong sa gubat, sa halip ay sinundan niya ang kanyang ama para makalusot sa mga gawain. Sa kanyang paglalakad ay may nakasalubong siyang maitim na baboy, sinusundan siya nito kahit saan siya magpunta, dahil napansin niyang ganun ang ginagawa ng baboy, naisipan niyang paglaruan ito at pagpapaluin hanggang magtatakbo. Tuloy pa din si Taling at nakasalubong niya ang isang matandang puno ng itim-itim na bilog sa katawan, animo'y mga sugat ngunit hindi. Natawa si Taling sa itsura ng matanda at humagalpak ito ng tawa. Hinawakan ng matanda at tinignan si Taling, "bakit mo ako pinalo ng pinalo kanina? Dahil ba sa aking itsura?", sabi ng matanda. Takot na takot si Taling dahil ang nasa isip niya ay ang baboy na maitim. Dahil sa ginawa na iyon ni Taling ay pinarusahan siya ng matanda, dahil sa pagtatawa niya sa maitim na mga bagay ay magiging isa siyang maliit at maitim na bagay na didikit sa katawan ng mga tao.
Nung araw ding yon ay nagtulong ang magulang ni Taling na hanapin siya, ngunit nabigo sila. Dahil sa kalungkutan ng mag-asawa ay naisipan ulit nilang magkaanak. Sa paglabas ng kanilang anak ay may itim na bilog ito sa sa kaliwang parte ng mukha, at dahil dito at bilang pag-alala sa kanilang nawawalang anak at tinawag nilang 'ta-ling' ang markang iyon. At doon nagsimula ang pagsasalin salin ng markang ito.

-Kayle Bacayan

Thursday, July 10, 2008

Ang Alamat ng Batuta

Isang araw may nabalitaan ang taong bayan na meron daw mga taong umaaligid at mga nagbabadyang magnakaw sa kaniang ayan.Nag-isip ng paraan ang mga tao upang mahuli ang mga magnanakaw.Nagpasya sila na dapat ay may rumoronda sa gabi upang mahuli ang mga magnanakaw.bumuo ng grupo ang mga makikisig na kalalakihan,na magsisilbing mga bantay sa gabi.Tinawag nila ang kanilang samahan na tanod boys.Isang gabi habang rumoronda ang grupo ng kalalakihan natiyempuhan nila ang mga masasamang loob.sinigawan ito ni batuten.Si batuten ang pinuno ng tanod boys.Nataranta ang mga magnanakaw kaya't nagtatakbo sila papalayo.Hinabol sila ng gruponi batuten.Sa kahahabol nila napadpad na sila sa isang malawak na taniman ng talong.Sa kasamaang palad walang sandata ang mga tanod boy.uti na lang naisip nila na kumuha ng bato at talong at siya nilang ipangbato sa mga magnanakaw.ngunit baliwala pa rin iyon,nakatakas pa rin ang masasamang loob.Kinabukasan ng bumalik sila sa may taniman ay nakita nila ang mga talong na pinagbato nila ay naging kasing tigas na rin ng bato.Nag mistulan itong sandata.makalipas ang ang ilang gabi bumalik na naman ang mga magnanakaw.Ginamit grupo ni batuten ang nasabing armas at sila ay nagtagumpay.Sa kasamaang palad namatay s batuten sa pakikipaglaban.dahil napatakan siya sa ulo ng mga talong.Naungkot ng sobra ang mga kapwa nia tanod ang mga taong bayan.kaya't inalay nila ang armas na ginamit nila sa pakikipag laban para kay batuten.Dahi kahit ganon lang yung kanilang armas pinilit niyang manalo kahit walang kasiguraduhan.Simula noon ang sandatang iyon na ginagamit nila sa panghuhuli ng masasamang loob at sa pagtatangol ay tanatawag na batuta.......

Tuesday, July 8, 2008

"Alamat ng tuyong rosas"


Masarap tanawin, magandang pagmasdan ang mga rosas.
Nakakaginhawang amuyin ang humahalimuyak nitong amoy.
Ngunit bakit ganun? Ang iba't-ibang kulay at halimuyak nitong amoy lang ang ating napapansin? pag ba itoy natuyo mapapansin mo pa ba? Halika't alamin natin ang katayuan ng tuyong rosas.
Sa isang bakuran na punong puno ng iba't ibang kulay ng rosas, humahalimuyak ang amoy ng mga ito, nakakabighani at nakakapag bigay ginhawa ang mga kulay nito at ang kagandahan pa nito ay walang kamatayan ang mga rosas na ito. Ang bakurang ito ang paboritong lugar ng magkasintahang Yano at Bhiena. Maganda ang kanilang samahan, masaya at laging nagkukulitan. Si Yano ay lumaki sa simpleng buhay kagaya ng katayuan ng mga simpleng tao. Siya ang taong walang plano sa buhay, nasira ang buhay niya noong panahong kabataan nya pa at halos sumuko na siya at magpatiwakal ngunit sa hindi inaasahang pangyayari na darating sa buhay nya ay makikilala nya pala ang makakapagpabago sa katayuan at buhay nya. Si Bhiena, ang babaeng nagbago ng buhay ni Yano, nagbigay kahulugan sa buhay nya at ang babaeng nagturo kay Yano kung ano ang buhay, simula noon si Yano ay nag iba, nagkaroon ng direksyon sa buhay at bumalik ang pagiging masayahin. Si Bhiena ay lumaki sa luho ng buhay, mayaman at may ipagmamalaki sa buhay. Nag iisang anak sya at walang pinangarap ang magulang nya sa kanya kundi ang magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap at mabuhay kasama ang matalino, mayaman at may ipagmamalaki sa buhay pero gayunpaman ay minahal pa rin ni Bhiena si Yano.
Isang araw nagkita ang magkasintahang Yano at Bhiena sa paborito nilang lugar na kung saan napapaligiran sila ng mga rosas, masaya ang araw na ito sa kanila lalo't higit magkasama sila. Sa gitna ng mga rosas doon sila umupo habang napapaligiran ng iba't-ibang kulay ng mga rosas na kung saan dito sila nag uusap ng mga plano nila sa kanila at tungkol sa mga buhay-buhay. Sa araw na ito may isang pangyayari na kung saan nasabi ni Yano kay Bhiena na "Bhiena alam mo ba kung gaano kita kamahal" iniibig kita kagaya ng mga rosas na nakapaligid sa atin. Alam mo ba kung bakit? Dahil itoy maraming kulay kagaya ng kulay ng buhay na binigay mo sa akin at hindi lang yan dahil ang pagmamahal ko sayo ay walang kamatayan kagaya ngmga rosas na yan. Ikaw ang nagbago ng buhay ko at kung sakaling dumating ang araw na mawalay ka sa akin ang mga rosas na ito ay asahang matutuyo kagaya ng mga dahon sa puno at halaman sa paligid." Ang araw na ito ay hindi makakalimutan ng magkasintahan. Nagtuloy-tuloy ang panahon, sunod-sunod ang maliligayang pangyayari sa magkasintahan ngunit sa pag ibig ay may di inaasahang panahon.
Isang umaga noon nagmamadaling pinuntahan ni Bhiena si Yano. Sa kadahilanang pinagbawalan na si Bhiena na makipagkita kay Yano at kung sakaling mahuhuli si Bhiena at susuway sa utos ng magulang ay ilalayo si Bhiena kay Yano. Ayaw nilang malayo sa isa't-isa. Gayunpaman ay gumagawa pa rin ng paraan si Bhiena upang kahit papaano ay magkita sila ni Yano at mayakap man lang kahit minsan. Sa kasamaang palad minsan ay nahuhuli sa Bhiena ng kanyang mga magulang at tuwing nahuhuli siya ay napapagalitan siya at minsan ay nalalapatan ng mabigat na kamay. Sa tuwing makikita ni Yano ang mga suagt at pasa na latay sa katawan ni Bhiena ay siya ang nahihirapan at nasasaktan dito, sa tuwing umiiyak sa balikat nito ay lalo siyang nahihirapan. Nagdaan pa ang mga araw, mga araw na malulungkot at halos isipin nilang katapusan na ito ng kanilang pagsasama.
Isang gabi nakipagkita si Yano kay Bhiena,pagdating na pagdating pa lang ni Bhiena ay bigla na itong niaykap at hinagkan ni Yano, niyakap ng mahigpit na may kasamang luha at biglang winika ni Yano "Pag dumating ang araw na hindi na tayo magkasama pumunta ka lang sa lugar na ito at pagmasdan ang mga rosas dahil ang mga rosas na ito ay inaalay ko sayo kagaya ng pag aalay ng pag ibig ko sayo." Sa kasamaang palad ito na pala ang huli nilang pagsasama. Isang hapon gulong-gulo sa pag iisisip si Yano kung ano ang pedeng gawing paraan upang hindi na muling mahirapan pa si Bhiena. Wala siayang ibang paraan kundi ang lumisan sa lugar ngunit wala naman siyang mapupuntahang ibang lugar kaya nasagi sa isip niya na magtangka na lang siya sa buhay niya kahit alam nya na labag sa DIYOS ang gagawin niya, kahit alam niya na masasaktan silang dalawa ng lubusan, ngunit alang alang sa kalayaan ni Bhiena sa kahirapan ay ginawa niya ito. Isang gabi si Bhiena ay pumunta sa bahay ni Yano upang alamin na ang kalagayan nito at kamustahin siya pero wala si Yano sa bahay kaya nagbakasakali si Bhiena na si Yano ay nasa paborito nilang lugar pasyalan, dali-daling pumunat si Bhiena dito may napansin siyang isang taong nakahandusay sa gitna ng mga rosas pinuntahan niya ito at bigla siyang nagulat ng makita niyang si Yano na pala ang taong nakahundusay dito. Tumulo ang luha niya, niyakap niya ng mahigpit si Yano habang umiiyak, dahil hindi niya inaasahan na gagawin ni Yano ito habang nalipas ang oras may napansin siyang isang bagay, bagay na kakaiba. Nakita niya na ang mga nakapaligid na rosas sa kanila ay nag iba ng kulay, natuyo ang mga ito na para bang dahong natutuyo, ang bagay na ito ang lalong nagpahabag kay Bhiena dahil naalala niyang lahat ang mga bagay na sinasabi ni Yano sa kanya nung nabubuhay pa ito lalong tumulo ang luha niya. Nagdaan ang maraming panahon, walang sinayang na araw at oras si Bhiena kundi ang puntahan lang ang bakurang puno ng tuyong rosas upang balikan ang masarap at maliligayang araw nila ni Yano. Ng mga panahong ito ay unti-unti niyang naintindihan kung bakit nagawa ito ni Yano. Dahil sa walang hanggang pagmamahal ni Yano at pagsasakripisyo para sa kalayaan ni Bhiena nag umpisa ang pag usbong ng "Tuyong Rosas."
Life is too short so play hard! -brOwn rOseS`
zEke Almanza

Monday, July 7, 2008

Ang Alamat ng Salamin

Sa isang maliit na baryo sa Timog Katagalugan ay namuhay at lumaki ang isang mutyang tunay na hinangaan at tiningala ng mga tao. Ang pangalan niya ay Sala. Sadyang katangi-tangi ang kanyang kagandahan, sapagkat tanging sa mga dayuhang kababaihan lamang maikukumpara ang angkin niyang ganda. Dahil doon, lubos siyang kinaiingitan ng mga kababaihan lalo pa't nakikita nila ang matiim na pagtingin ng mga kalalakihan sa kanilang baryo sa kanya. Para sa mga kalalakihan, si Sala ay isang napakatayog na pangarap na kailanma'y hindi nila maaabot. Samatalang para naman sa mga matatandang madadasalin sa kanilang lugar, ang kanyang kagandahan ay isang biyaya ng Diyos sa iilang taong may kakayanang magbigay ng malaking indulhensya sa mga prayle.

Kilalang mayaman at makapangyarihang tao ang ama ni Sala. Tinitingala ito dahil sa kanyang karangyaan dulot ng negosyo niyang perlas na ipinagbibili niya sa malaking halaga sa mga mayayayamang pamilya at maging sa mga dayuhan. Madalas ay naglalayag pa siya upang personal na ibigay sa mga dayuhang mamimili ang kaniyang ipinagbibiling mga perlas. Kinilala ang ama ni Sala sa pangalang Don Perlo Claveria dahil sa kanyang negosyo.

Matagal-tagal ding nawala si Don Perlo Claveria dahil sa pagtungo sa bansang Tsina. Nang makabalik sa sariling bayan, bagama't pagod mula sa byahe, ay napagpasyahan niyang dagling umuwi na sa kanilang mansyon.

Sa harap ng kanilang mansyon, sakay ng kanyang karwahe ay nabigla si Don Perlo sa haba ng pila ng mga mayayaman at matitipunong kalalakihang nagbabakasakaling makausap si Sala. Bawat isa sa kanila ay may kasamang mga utusan na siyang tagapagbitbit nila ng kanilang mga mamahaling mga regalo. Tunay na nagalak si Don Perlo sa kanyang nasilayan sapagkat alam niyang mas lalo pa siyang titingalain ng mga tao kapag nakapangasawa si Sala ng isang sikat at mayamang lalaki.

Habang tinatahak ang papasok sa kanilang malawak na mansyon ay may napansin si Don Perlo mula sa pila ng mga kalalakihan na tunay niyang ikanagulat at ikinainis. Mula sa kanyang karwahe ay namataan niyang isang pobreng lalaking may tangang piling na saging ang nakapila rin kasama ng iba pang mga mayayamang kalalakihan. Dahil duo'y dagli siyang bumaba sa kaniyang karwahe at sinugod ang lalaki. Walang anu-ano'y agad niya itong sinampal, inalipusta at saka pinalayas. Matapos ay umalis na si Don Perlo at tumungo na sa loob ng kanyang tahanan. Malaking kahihiyan ang naidulot ni Don Perlo sa pobreng lalaki na ang pangalan ay Aming.

Malumbay na lumisan si Aming sa tahanan ni Don Perlo.Bitbit ang dapat sanang regalo para kay Sala na isang piling na saging ay tinahak niya ang daan mula sa mansyon nina Don Perlo patungo sa bundok kung saan nakatirik ang luma't napakaliit niyang barung-barong. Nang makarating na siya sa kanyang dampa ay umupo muna siya sa may paanan ng hagdanan nito. Tulalang nakataw ang kanyang mga mata sa kawalan dahil sa pag-iisip niya sa nangyaring pagkapahiya kay Don Perlo. Alam niya ang dahilan nito sa pagpapahiya sa kanya - dahil siya'y dukha. Nawala lamang ang kanyang pagkatulala dahil sa isang maliit na tinig na bigla niyang narinig.

Sa kanyang harap ay nakatayo ang isang napakaganda't puting-puting manok. Ito'y nagmamakaawang pakainin siya sapagkat siya'y gutom na gutom na. Nagulat man ay binigyan pa rin niya ng pagkain ang manok mula sa piling ng saging na hawak niya. Matapos maibsan ang gutom ng manok ay sinabi nito kay Aming na bibigyan niya ng pagkakataong magkaroon ng katuparan ang kanyang mga kahilingan. Hindi agad naniwala si Aming, ngunit pagkaraan ng ilang saglit ay nagsabi na rin ito ng isang imposibleng kahilingan. Hiniling niya sa manok na makausap man lang sana si Sala kahit kahit saglit. Ipinangako naman ng manok ang katuparan ng kanyang kahilingan sa lalong madaling panahon.

Maagang gumising si Aming nang dumating ang Linggo. Tumungo siya sa may ilog at naligo. Matapos ay umuwi muli siya't nagbihis ng pinakamagara niyang damit at panyapak at matapos ay nagpahid pa siya ng pomada sa buhok. Sa di malamang dahilan ay pinaghandaan niyang tunay ang pagsimba dahil hindi naman talaga siya ganoon. Nang makapag-ayos na'y kinuha niya ang manok at saka tumungo sa simbahan.

Sa simbaha'y tumayo siya sa may patio at duon pinasyang makinig ng misa. Sa gitna ng sermon ay biglang tumalon sa sahig ang manok mula sa mga braso ni Aming. Hinabol ni Aming ang manok nang mapansin niyang ito'y tumungo sa may paanan ng isang babae - si Sala. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin, nang bigla niyang mapansin na binuhat ni Sala ang manok at saka ito hinimas-himas. Tila natutuwa si Sala sa magandang balahibo ng manok. Lumapit naman si Aming upang kuhanin ang manok. Dahil sa tuwa ni Sala sa manok, ay nagtanong ito ng mga bagay-bagay tungkol dito. Saglit pa silang lumabas ng simbahan upang mag-usap pa tungkol sa iba pang mga bagay hanggang kailangan nang umalis ni Sala. Nakiusap ito kay Aming na dalawin siya sa kanila dala ang manok upang lalo pa silang makapag-usap. Matapos umalis ni Sala ay nagpasalamat si Aming sa manok.

Kinabukasan ay agad na tinupad ni Aming ang kahilingan ng dalaga. Dahil sa dala niyang manok ay agad niyang nakausap si Sala. Natutuwa si Sala sa pakikipag-usap kay Aming dahil para sa kanya ay walang kasinungalingang lumalabas sa bibig ni Aming. Matagal-tagal na ring nagkausap ang dalawa nang biglang dumating ang ama ni Sala. Namukhaan ni Don Perlo ang pobreng lalaki at nagpuyos muli ito sa galit. Kanya itong sinugod, sinuntok at pinalayas. Inutusan pa niya ang kanyang mga tauhan upang pahirapan at saka kaladkaring palabas ng mansyon si Aming. Nagalit din si Sala dahil sa maling pagtrato ng kanyang ama kay Aming. Agad niyang sinundan si Aming. Bagama't tila nahihirapan na si Aming sa kanyang kalagayan ay kanya pa ring hiniling kay Sala ang pagkakataong makita ito tuwing gabi sa may ilog sa ibaba ng bundok. Lumuluhang tumugon si Sala sa kahilingang iyon ni Aming.

Gayon nga ang kanilang ginawa gabi-gabi. Kasama ni Sala ang kanyang matapat na alalay ay tumutungo ito sa may ilog kung saan nama'y naghihintay si Aming. Matagal din nila iyon ginawa hanggang nagkatapatan na sila ng pag-ibig para sa isa't-isa. Ngunit, dahil sa madalas na pagkawala ni Sala sa kanilang mansyon tuwing gabi ay nagtaka na ang kanyang ama. Kaya, isang gabi'y inutusan ni Don Perlo ang isa sa kanyang mga tauhan na matyagan si Sala sa kanyang mga gagawin. Dahil duon ay napag-alaman ni Don Perlo na lihim na nagkikita sina Sala at Aming. Nang sumunod na gabi'y agad na kumilos si Don Perlo. Ipinakandado niya ang pintuan ng silid ni Sala upang hindi ito makaalis. Samantala'y nag-aabang pa rin si Aming sa pagdating ni Sala sa kanilang tagpuan. Ngunit nang lumalim na ang gabi'y nag-alala na ito kay Sala, kaya nang may narinig itong kaluskos ay agad niyang tinungo ang direksyon ng tunog. Sa laking gulat ay hindi si Sala ang bumungad sa harap niya bagkus isang malaking lalaking may dalang itak na akmang itataga sa kanya. Tinangkang lumaban ni Aming ngunit wala siyang nagawa at siya'y paulit-ulit na sinaksak ng lalaki na siyang nagdulot ng kanyang kamatayan.

Kinabukasan bumungad sa harap ni Sala ang isang napakakinang na bagay na kinakitaan niya ng kaparehas na imaheng nakikita niya kapag siya'y humaharap sa tubig. Napansin din niya ang mapupulang mga mata ng imaheng iyon. Ngunit ng lalo niya iyong tinitigan ay natawa na lamang siya. Matagal ding ikinulong si Sala ng kanyang ama sa kanyang silid. Ang tangi niyang libangan ay ang pagsilay sa bagay na iyon na lubos na nagpapaligaya sa kanya at tila nakatatawang isipin ngunit naaalala niya si Aming sa pagtingin niya sa salamin. Dumaan mahabang panahon at wala pa rin siyang naririnig tungkol kay Aming hanggang sa namatay na ang kanyang ama at siya'y tumanda na rin. Hindi na siya muling nagmahal mula nang nagkahiwalay sila ni Aming.

Isang gabi habang pinagmamasdan niya ang makinang na bagay ay biglang nagpakita ang manok sa kanya. Ipinagtapat nito kay Sala ang kinahinatnan ni Aming nuong gabing hindi sila nagkita nito. Bago namatay si Aming ay humiling ito sa manok ng pagkakataong makasama si Sala araw-araw upang lagi niya itong masilayan at maipadama rito ang natatangi nitong kagandahang higit pa sa panlabas nang sa gayon ay lalo pa itong sumaya. Sinabi ng manok na ginawa niyang makinang na bagay si Aming na tulad ng tubig. Iyon nga ang bagay na nakita ni Sala sa kanyang silid matagal na panahon na ang lumipas. Matapos ng pagtatapat na iyon ay muling naglaho ang manok. Tinitigan ni Sala ang bagay na iyon at siya'y napaluha. Tinawag niya ang matapat niyang alalay at sinabi ni Sala rito na mula sa araw na iyon ay tatawagin nila ang makinang na bagay na iyon na "aming". Nagdaan pa ang mga araw at bumigay na rin ang katawan ni Sala dahil sa katandaan. Nang mailibing siya'y kinuha ng alalay ang "aming" at sinabing iyon ang simbolo ng pambihirang pag-iibigan nina Sala at Aming. Nagpasa-pasa ang kwento nina Sala at Aming at kalauna'y tinawag ang "aming" na "salamin".

- Abeshin R. Acar

Ang Alamat ng Papaya

Sa isang malayo at liblib na bayan ay may isang Dyosa na naninirahan sa Bundok ng Luntiang Talulot. Siya ay napakaganda, balingkinitan ang katawan, mahaba at maitim ang buhok, mapula ang mga labi at may napakagandang kutis. Siya ay nagngangalang Payan. Malaya siyang nakikisalamuha sa mga normal na nilalang ngunit lingid sa kaalaman ng nakakarami ay isa siyang Diyosa.
Isang araw, may isang mayamang lalaki ang napadpad sa bundok kung saan naninirahan si Payan. Siya ay si Panyong may matipunong pangangatawan at makisig ang itsura. Naligaw siya sa kanyang pangangaso at di alam ang daan pabalik ng bayan. Napansin agad siya ni Payan at nabighani sa unang tingin.
"Ginoo, anong iyong ginagawasa lugar na ito?", tanong ni Payan.
"ako ay naligaw mula sa aking pangangaso," sagot ng binata.
"Maari mo ba akong samahan sa daan palabas sa kagubatang ito?", paki-usap ng binata.
"Oo, sige sasamahan kita," tugon naman ng dalaga.
Sa kanilang paglalakad ay di maiwasan ang sila ay magkatinginan at napansin agad ng binata na lagingnakatingin sa kanya ang dalaga. Matagal din ang oras na lumipas at narating din nila ang bayan. Doon ay naghahanap na ang lahat sa binata lalo na si Maria, ang anak ng Gobernador na namumuno sa bayan.
Dahil sa labis na saya ng binata, ay hindi na siya nakapagpasalamat kay Payan at bigla na lang ito nawala sa kaniyang paningin. Hindi alam ni Payan na ikakasal na si Panyong kay Maria.
Isang araw ay may lumabas na balita na labis niyang ikinagulat at ikinasama ng loob ng dyosang si Payan. Ikakasal na si Panyong sa susunod na araw.
Bago ang araw ng kasal ay naalala ni Panyong na magpasalamat kay Payan sa pagtulong sa kaniya. Pumunta siya sa bundok na tinitirhan nito at lugar kung saan sila unang nagkita ngunit nabigo siyang matagpuan ang dalagang hinahanap. Sa halip tanging naririnig niya ay ang malungkot na tinig na umiiyak. Labis niya itong ikinatakot at umuwi na lamang sa bayan.
Mabili na lumipas ang arwa at wala na siyang balita tungkol sa dalagang naninirahan sa bundok kahit ang mga taga-bayan ay nagtaka sa biglang pagkawala ni Payan.
Isang araw habang nangangaso si Panyong sa kagubatan, ay may napansin siyang kakaibang puno sa lugar kung saan sila nagkita ni Payan. Pinitas niya ang bunga nito at biglang tumulo ang katas nito na parang lumuluha. Mula noon ay tinawag niya itong PAPAYA at nakilala ito mula sa araw na iyon.

Sunday, July 6, 2008

Ang Alamat ng Piso

Noong unang panahon sa isang baryo na kilala sa tawag na Baryo Mabigas ay may isang pamilya na kilalang kilala dahil sa sila ang pinakamayaman sa buong baryo. Ang pamilya Pison, na nagmamay-ari ng mga sakahan sa baryo. Si Don Raulo ang nagpapatakbo sa kanilang sakahan. Isa siyang sugapa sa kayamanan at mapanlamang sa kapwa. Ang kanyang asawa na si Donya Lukrita ay mapangmata sa kapwa at hindi maganda ang ugali sa mga mahihirap. Mayroon silang isang anak na nagngangalang Jose. Kung ano ang ikinasama ng ugali ng mga magulang niya ay siya namang ikinaganda ng kalooban nya.
Isang araw, habang namamasyal si Jose sa hardin nila ay may namataan siyang isang dilag na ubod ang ganda. May malaporselanang kutis, labi na kulay rosas, maitim at mahabang buhok at mala-anghel na itsura. Unti-unti siyang lumapit dito. Ngunit pagkakita ng babae sa kanya ay tumakbo ito bigla dala ang mga bulaklak na napitas nito.
Halos hindi mapatid sa paghinga ang magandang binibini sa pagtigil nito sa isang malaking puno. Ang pangalan niya ay Maria, anak ng isang magsasaka. Kamamatay pa lamang ng kanyang ina at kapatid dahil sa isang aksidente. Dadalhin niya ang mga nakuhang bulaklak sa puntod ng mga ito. Siya at ang kanyang tatay na lamang ang magkasama sa buhay.
Ilang linggo na ang nakakalipas at binabantayan pa din n i Jose si Maria sa hardin nila. Hanggang isang araw ay nagkita ulit sila. Nagkakilala ang dalawa at naging magaan ang loob sa isa't isa. Araw-araw na silang nagkikita sa hardin. Ngunit nalaman ito ng magulang ni Jose at agad na kinausap siya. Pinagbawalan siyang makipagkita kay Maria dahil sa alam nilang anak lamang ito ng isa sa kanilang mga magsasaka. Hindi pumayag si Jose sa gustong mangyari ng kanyang mga magulang. Pinanindigan niya na hindi niya iiwan si Maria dahil napamahal na ito sa kanya.
Nalaman ng itay ni Maria ang pagmamabutihan nito sa anak ng pamilya Pison. Hindi naman niya pinagbawalan si Maria ngunit binigyan lamang siya ng babala sa mga mangyayari. Wala ng nagawa ang mga magulang nina Jose t Maria sa pagmamab utihan ng dalawa hanggang sa mapagdesisyunan nila na magpakasal na. Madami ang nainggit kay Maria. Araw ng kasal. handa na ang hardin na pag-gaganapan ng kasal. Abala ang lahat sa paghahanda. Nagbihis na ang lahat at pagkatapos ay nagtipon-tipon na sa may hardin. Habang ginaganap ang kasal ay amy dumating na isang matanda na nakasuot ng itim. Pinatigil niya ang seremonya at pinaalala kay Donya Lukrita ang sumpa.
Biglang naalala ni Donya Lukrita na noon ay may isang pamilya na kanyang pinalayas dahil sa utang ng mga ito. Malakas ang ulan noon at sapilitang pinalayas ng Donya ang kawawang pamilya. Ngunit bago umalis ang mga ito ay binigyan siya ng sumpa. Isang sumpa na mangyayari sa kanyang anak.
Sumpa na mangyayari lamang kapag nagpakasal ang anak ni Donya Lukrita sa isang ordinaryong babae lamang. pagtingin ni Donya Lukrita kay Jose ay naglaho ito. isang pilak na hugis bilog ang naiwan sa damit ni Jose. nang tingnan ni Maria ang bagay na ito ay nakita niya ang mukha ng kanyang mahal ni si Jose.
Naging malaking usap-usapan sa buong baryo at karatig bayan ang nangyari sa pamilya Pison. Mula noon ay naging mabait sa kapwa ang mag-asawang Pison. Hindi na nila ipinagkait sa ibang tao ang kanilang kayamanan. Itinuring na din nilang anak si Maria at naging isa na ding siyang Pison. Tinawag nilang Pison ang pilak na may mukha ng kanilang anak. At sa paglaon-laon ang pison ay naging Piso dahil sa mga pagsalin salin ng kwento ng pamilya Pison.
Maikling Kwento ni:
Mary Anjela Fe R. Andaya

''Ang Alamat ng Sapatos"

Noong unang panahon, sa isang bayan ng Murao ay masaya at magkasamang naninirahan ang mga tao at sapatos. Ngunit isang gabi nabalitaan ng mga mamamayan sa kanilang Bathala na may paparating na napakalakas na unos na sisira at papatay sa karamihan sa kanila. Takot na takot at nabahala ang mga mamayan ng Murao kaya nagpasya ang pinuno nila na magpulong sa kung ano at paano makakaligtas sa unos. Bago sumikat ang araw ay nagtungo na ang mga tao sa kanilang bahay pulungan, ngunit nagtaka sila kung bakit wala ang lahi ng mga sapatos. Pinagmasid ng pinuno ang isa sa alagad at ibinalita nito na masayang nagtatakbuhan at naglalaro ang lahi ng mga sapatos sa kabukiran. Galit man ang mga tao ay pinagbigyan nila ang mga sapatos sa kadahilanang hindi sapat ang kanilang kaalaman.
Isang dapit-hapon nagpakita na ang unang hagupit si bagyong Frank at labis na nangilabot ang mga mamamayan ng Murao. Kinaumagahan nagpasya muli ang pinuno na magimbak sila ng pagkain sa bahay pulungan bago pa man sumapit ang dapit-hapon. Takot na takot ang mga tao at pilit na nag-imbak bago pa muling dumating ang bagyong si Frank. Napansin uli ng pinuno na wala ang lahi ng mga sapatos, at muli nakita ito ng alagad na masayang naglalaro at nagtatakbuhan sa kabukiran. Sa galit ng pinuno, ginising nito si Bathala at nagwikang, " Bathala ang mga sapatos po ay walang ibang ginawa kundi magpakalat-kalat, magtakbuhan at maglaro. Hindi po sila tumutulong sa amin, nagsusugat na po ang aming mga talampakan sa pagtatrabaho at pag-iimbak ng pagkain. Sa galit ng Bathala tinipon nito ang mga sapatos at nag wikang, " Kayo mga lapastangang sapatos!!!! hindi ninyo iniinda ang hirap ng mga tao at bigat ng kanilang ginagawa!!! kaya sa simula ngayon ay hindi kayo makakakilos hanggang hindi sinasabi ng mga tao, at kayo na din ang papasan sa kanila sa pang araw-araw na gawain hanggat gusto nila. Kayo na rin ang iinda ng bigat at sakit na kanilang dinarama sa tuwing lalakad sila.
Lubhang nahintatakutan ang mga sapatos at may pagsisising tinanggap ang kanilang kaparusahan.
Simula noon magkasama nilang napaglabanan ang hagupit ni Frank. Kaya sa panahon ngayon lagi ng suot ng mga tao ang sapatos sa tuwing lalabas ng kaniang tahanan at kasamang nagtatrabaho. Bilang aral dapat ay maging matulungin at maaasahan sa lahat ng oras.

"Ang Alamat ng Unang Barbie Doll"

"Daddy,Daddy ibili nyo po ako noon,,yun o ang ganda nya di ba??" ang sabi ng bata sa kanyang ama sabay turo s iasang barbie doll.
"Anak ang tawag diyan ay barbie doll,halika lapitan natin"sagot ng bata sa kanyang ama.
"Ito si Barbie,,ang sabi ng maga matatanda siya daw ay anak ng isang diwata,gusto mo ba na ikuwento ko sayo kung papano siya naging isang laruan???"
"sige po ,sige po.."natutuwang sagot ng bata.
"Nagsimula ang lahat sa isang alamat...................................."
Noong unang panahon sa isang malayong baryo sa gitna ng kagubatan may matatagpuan na isang mag-asawa na hindi magkaanak.Sa loob ng sampung taon nilang pagsasama ay hindi pa rin sila binigyan ng anak,,isang araw habang sila ay nagpapahinga sa lilim ng isang puno..
"Ela,hindi kaya tayo ay isinumpa!!kaya tayo ay hindi binigyan ng anak?"wika ni kardo sa asawa
"ngunit wala naman tayong ginagawang masama,wala naman tayong inagrabyadong tao" malungkot na sagot ni ela
Noong panahong iyon ay mayroong napapabalita na isang engkantada at nakarating ang balitang ito sa magasawa
"ela,ela gumising ka madali!!ating pupuntahan ang engkantada na kanilang sinasabi baka sakaling pagbigyan niya tayo"
"o sige halika na''
Hindi nagtagal sila ay nakarating sa kanilang patutunguhan..ang engkantada ay nasa gitna ng isang maliit na lawa.Ito ay napapalibutan ng naggagandahang bulaklak at matataas na puno.Napaka linis ng tubig na maari ka manalamin kapag ikaw ay dumungaw sa pampang nito.
"napaka ganda ng lugar na ito!!!bulalas ni ela
"ang mga bulaklak ay kay bango hmmm.."
"Ano ang inyong kailangan"ang sabi ng isang tinig mula sa gitna ng lawa.
"Kami po ay sampung taon ng mag asawa ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaroon ng anak"wika ni kardo
"namamakaawa po kami na bigyan ninyo kami ng anak,gagawin po namin anuman ang inyong naisin" nagmamkaawng sabi ni ela
"Kayo ay umuwi na,sa inyong paguwi kayo ay magkakroon ng anak.Papangalanan ninyo itong Barbie ngunit sa pagsapit ng kanyang ika-labingwlong kaarawan ay kailangan niyang bumalik dito dahil sa pagsapitng araw na iyon ay magiging ganap na siyang engkantada."mahabang wika ng engkantada
"naintindihan po namin"sagot ng magasawa
Lumipas ang araw ,linggo,buwan, si Ela ay nanganak ng isang pagkaganda gandang bata.pinangalanan nila itong Barbie alinsunod sa bilin ng engkantada.
Si Barbie ay lumaking mabait at masunuring bata,nagkaroon siya ng nobyo at sumumpang pagdating niya sa edad na 18 ay magpapakasal sila ngunit tutol dito ang magulang ni barbie sa kadahilanang di niya maintindihan.
pagsapit ng kanyang ikalabing walong kaarawan.,...
"ina,ina, ano po ba itong nararamdaman ko,ano po ang nangyayri sa akin????hindi mapalagay na wika ni Barbie
"Patawrin mo kami ng tatay mo anak sa aming paglilihim sa iyo.panahon na upang malaman mo ang katotohanan..ikaw ay aking anak ngunit......."""
"ngunit ano ina ano!"
"ikaw ay nbuo lamang sa tulong ng isang engkantada..ngayon ay panahon na upang ikaw ay bumalik sa iyong pinagmulan upang ikaw ay maging isang ganap na engkantada.."lumuluhang sagot ni ela sa anak
"Ano!!!hindi yan totoo ina hindi yan totoo!!ayoko!ayoko!!hindi maari magpapakasal na kami ng aking mahal hindi pwede ito!!!"lumuluhang sigaw ni Barbie sabay takbo papalayo.hindi niya pinansin ang kanyang nobyo at tumakbo ng tumakbo hangang sa makarating siya sa lugar ng engkantada...
"mabuti at dumating ka na.handa ka na ba upang maging isang ganap na engkantada anak??"ang sambit ng engkantada
"hindi.!!hindi ayoko!!wla kang kwentang engkantada dapat sayo pinapatay!!"galit na galit na sigaw ni Barbie
"isa kang suwail na babae!!wala kang karapatan na maging engkantada!!dahil diyan ay pinaparusahan kita!!simula sa oras na ito ikaw ay magiging isang bagay na lamang na magbibigay saya sa mga tao lalo na sa mga bata!!!galit na ganti ng engkantada at saka ito nawalang parang bula
si barbie ay natakot dahil naramdaman niya na naninigas anng kanyang katawan na animoy patay.. huli na ng dumating ang kanyang nobyo si Barbie ay naging isang laruan na lamang at siya ay malungkot na lumisan sa pook na iyon dala dala si barbie...... by:lorenza c. adeva

Saturday, July 5, 2008

"Ang alamat ng luha"

Hindi pa nasisilayan ng karamihan ang mundo, isang uri na ng nilalang ang nilikha ni bathala ang unang nakatapak sa mga lupain nito, at iyon ang tao. Tunay na malawak at masalimuot ang daigdig ngunit ang taong ito na nagngagalang Enrique ay namuhay ng matiwasay at masaya kapiling ang ibang mga nilalang sa kalikasan, ang mga hayop. Lumipas ang mga araw, ang mga buwan ay sadyang napakabilis ding dumaan hanggang dumating siya sa kanang ika-apat napung taon. Maraming libangan ang kanyang natuklasan tulad ng pangangakyat sa mga puno at maghanap ng mga bunga nito at pakikipaglaro sa mga hayop. Puro kasiyahan lang ang tangi niyang nadarama,aliw na aliw siyang makipaglaro sa mga lumba-lumba sa karagatan,masayang masaya siyang hinahabol ang mga alimango sa dalampasigan pati ang mga ibon sa papawirin ay sinasabayan niya sa pag-huni at maging sa mga kabayo ay siya'y nakikipag-unahan.
Sa kanyang ika-limangpung taon sa ibabaw ng mundo, habang siya'y nagpapahinga sa mga yabong ng ilalim ng mga puno ng saging, isang kakaibang emosyon ang parang bumigla sa kanyang kaloob-looban,na lingid sa kanyang kaalaman ay sa kauna-unahang pag-kakataon sa kanyang buhay ay nakakaramdam siya ng kalungkutan. Sa kanyang kinauupuan ay lumitaw ang tanging hayop sa kagubatan na binigyan ni bathala ng kakayahang makapagsalita tulad ng kay Enrique.Pinaliwanag ni Enrique ang kakaibang pakiramdam at sinabi rin ni haring kwago na kalungkutan ang tawag sa kanyang nararamdaman. Hirap na hirap si Enrique na ipakita at ilabas ang nararamdaman ngunit batid niya ang bigat ang dulot nito sa kanyang kalooban at sa pag-laon ng pag-uusisa ni haring kwago,habang binabanggit ni Enrique ang mga salitang "bakit ako nag-iisa?",bakit ako nahihirapang mabuhay ng walang kauri?"ay tumulo ang isang makinang na likido mula sa puso ng puno ng saging patungo sa kanyang mga tila nagtatanong at gulong-gulong mga mata.Ang nakakapagtataka ay nagtuloy-tuloy ang pag-agos nito at tinawag itong "LUHA"ni haring kwago.Luha na sa tuwing papatak ay syang magiging tanda ng kalungkutan at paghihinagpis at maging labis na tuwa at kasiyahan.Pinapatunayan na ibigay man sa'yo lahat ng iyong kailangan ay walang magagawa ang mga ito upang ikaw ay pasiyahin ng lubusan dahil walang tao ang mabubuhay ng nag-iisa sa mundo.

-Carl Michael Aguila

"Ang alamat ng 500"

Noong unang panahon sobrang mahalaga ang pera at mapapalad lamang at tanging mayayaman lamang talaga ang nakakahawak at nakakaranas nito. Sa isang baryo, sa baryo Makiling ng Mindoro. May isang kambal na nag-aaral sa pambublikong paaralan ng kolehiyo. Sina nonoy na maprinsipyo at si ninoy na gagawin ang lahat wag lang makatikim ng paghihirap.

Isang araw sa kanilang paaralan, sapat lamang ang pera nila nonoy at ninoy para sa kanilang pananghalian. Dahil sa ninanais ni ninoy ang mas madami at masasarap na pagkain, natukso siyang magnakaw sa maliit na halaga, mula noon, doon na siyang natutong magnakaw.maliit man o malaking halaga.

Isang araw laganap na ang nababalitang nakawan sa nasabing paaralan, sa dami na nga ng nawawalan. Sa di inaasahang pangyayare, nagkapalit ng sombrero ang kambal,nagmamadali silang pumasok sapagkat sila ay huli na sa kanilang klase. Noong kinahapunan sa laboratoryo, may nakita si ninoy na malaking halagang pera sa bukas na bag. Sa pagkakataong iyon, siya'y nag-iisa at malaki ang kanyang pagkakataon na maibulsa ng mabilis ang nasabing pera ngunit sa hindi din niya inaasahan na pagkakataon, mayroon palang nakakita sakanya. Dali-daling lumapit ang nakakita sakanya, sa kanyang mga kaklase at ikwinento na nga ang nangyare.Dahil nga suot ni ninoy ang sombrero ng kapatid, napagkamalan na ang magnanakaw ay walang iba kundi si nonoy.At dahil nga sa mabilis na pagkalat ng impormasyong ito, ito'y nakarating kay nonoy at kitang kita ni ninoy ang pagkawalang ganang mabuhay at pumasok ng paaralan ng kanyang kakambal dahil sa pinaparatang sa kanya na sya'y isang magnanakaw.Dahil sa tawag ng konsensya,si ninoy ay nahabag.

Kinagabihan,humiling si ninoy na mawala sa isip ng mga taong nakakaalam na si nonoy ang magnanakaw maging ang kapalit nito ay buhay ni ninoy.Sa hindi maipaliwanag na pangyayari, may isang diyosang bumaba sa langit na pinangalanang Pilak, "Dyosa ng mga pera". At nagsabing "Ikaw taga lupa na mahilig sa pera ay sinusumpa kong mananatili sa loob ng pera habang buhay."

Mula noon,nawalang parang bula si ninoy at nalinis ang pangalan ni nonoy na parang walang nangyari.


KathErinE A. Asuncion

"Bato"

Maraming taon na ang lumipas kung saan matatagpuan ang isang malaki at malawak na mansyon kung saan sinasabayan ng hangin ang huni ng ibon at maaaring makapag habulan ang mga hayop sa kaluwangan ng lupain ni Otab. si Otab ay isang binatang matapobre at naging sakim sa yaman, hindi mo ito kakikitaan ng kasiyahan at pagmamahal sa iba. tila pinatigas na ng mga pagsubok sa buhay na animoy parang patay na humihinga dahil lamang sa kayamanan.


Samantalang ganito man ang ugali ni Otab, may nag mahal sa kanya at ito ay si daisy, isang dalaga na ubod ng hirap ngunit may magandang kalooban, pero laking kabaligtaran naman sa kanyang panlabas na anyo, na kakikitaan ng malaking balat sa mukha na animo'y mapa ito ng pilipinas. at naging dahilan upang pandirian ng matapobreng si Otab.


hangang isang araw, naisip ni Daisy na magtapat sa binatang kanyang iniibig ng lubusan at sabihin kung gaano niya kamahal ito. ngunit ng magkaharap sila lahat ng binalak nya ay parang bulang naglaho ng kanyang naaninag ang madilim na na mukha nito at naunahan siyang magsalita ni Otab at sinabing "lumayo ka ng! nandidiri ako sa mukha mo! isang hamak na napaka bahong nilalang.. alis!!!" pagka sabi ay sinabayan ng talikod at walang lingon na umalis. naiwan na lamang si daisy na umiiyak at nasasaktan, hindi manlang sya nabigyan ng pagkakataong makapag salita.


Umuwi si Daisy sa kanyang kubo at doon nya pinakawalan ang masaganang luha na kanina pa pinipigilang pumatak. tanging wala na siyang nararamdaman kundi poot. poot para kay Otab at dahil doon,kuyom ang palad habang binabanggit ang mga katagang "Otab! matigas ka! at hindi nasasaktan! hindi mo manlang naisip na nasaktan ako ng sobra! at sinusumpa ko! sa oras ng aking pagkawala, ang ugali mo ay magiging ikaw!


At makalipas ang tatlong araw , si Daisy ay natagpuang wala ng buhay sa kanyang kubo sa hindi malamang kadahilanan.At si Otab naman ay naglaho at hindi na nakita.ngunit may natagpuan ang mga tao sa kanyang kama, isang bagay na bilugan at mabigat at tinawag nila itong "BATO". bato na hinango sa pagkakabaligtad ng pangalan ni Otab.

Hangang sa lumipas ang mga taon, hindi parin maalis sa utak ng mga tao ang pangalang Otab, si Otab na pinaniniwalaang naging bato! ngunit bato ka man na manhid at walang
pakiramdam, mag ingat-ingat ka dahil maaaring hindi ka nga nasasaktan, ngunit kaya mo namang makasakit.

Friday, July 4, 2008

Ang Alamat ng Aso

Noong unang panahon, sa isang baryo na hindi kalayuan sa bayan ng Antique, ay may isang mag-anak na lubhang payak ang pamumuhay.Ang pangunahing ikinabubuhay nila ay ang paggawa ng kawa.

Si Sofia, ang nag iisang anak ng mag-asawang Ruben at Ana, ay talga namang isang kabighabighaning dilag.
Napakaraming binata ang nahuhumalig dito.
Subalit isang lalaki lamang ang nagpatibok ng kanyang puso at ito ay si Andres dito.

Marahil ay tutol ang mga ito sapagkat napakalaki ng kanilang agwat.

Nang dahil sa pang yayaring iyon ay pinagbawalan si Sophia na bumaba sa kanilang bahay. Labis na nagdamdam si Sophia. kaya't sa tuwing sasapit ang gaba, habang ang mga magulang ay mahimbing na natutulog ay tumakas ito para makipagkita kay Andres.

Maya maya pa, habang sila ni Andres ay nasa isang ilang na lugar ay may sumulpot na isang diwata.
Ang diwata ng mga hayop. Ang diwatang iyon pala ay pinakiusapan ng mag asawang Ruben at Ana, na sa oras na muling magkita ang magkasintahan ay bigyan ito ng leksyon.

Walang anu ano'y may kakaibang naramdaman ang mag kasintahan, hanggang sa napagtanto nila na unti-unti silang lumiliit at nagiging apat ang kanilang paa.

Natakot na ang dalawa kaya't paulit ulit na lamang nilang sinambit ang kanilang pangalan. "Andres! Sophia" Andres! Sophia! hanggang sa tuluyan nang nawala ang kanilang boses.
Tanging "aw-aw" na lamang ang nasabi nila galing sa salitang "kawa" na tanging ikinabubuhay ng pamilya ni Sophia.

Sa paglipas ng panahon ay tinawag ang kakaibang hayop na ito na aso hango sa pinagsamang panagalan ng magkasintahang Andres at Sophia

-Marinel A. Africa

Wednesday, July 2, 2008

Bunga

Bungang isip na isnatitik ang dahilan kung bakit nabuo ang blog na ito.