Saturday, July 5, 2008

"Ang alamat ng luha"

Hindi pa nasisilayan ng karamihan ang mundo, isang uri na ng nilalang ang nilikha ni bathala ang unang nakatapak sa mga lupain nito, at iyon ang tao. Tunay na malawak at masalimuot ang daigdig ngunit ang taong ito na nagngagalang Enrique ay namuhay ng matiwasay at masaya kapiling ang ibang mga nilalang sa kalikasan, ang mga hayop. Lumipas ang mga araw, ang mga buwan ay sadyang napakabilis ding dumaan hanggang dumating siya sa kanang ika-apat napung taon. Maraming libangan ang kanyang natuklasan tulad ng pangangakyat sa mga puno at maghanap ng mga bunga nito at pakikipaglaro sa mga hayop. Puro kasiyahan lang ang tangi niyang nadarama,aliw na aliw siyang makipaglaro sa mga lumba-lumba sa karagatan,masayang masaya siyang hinahabol ang mga alimango sa dalampasigan pati ang mga ibon sa papawirin ay sinasabayan niya sa pag-huni at maging sa mga kabayo ay siya'y nakikipag-unahan.
Sa kanyang ika-limangpung taon sa ibabaw ng mundo, habang siya'y nagpapahinga sa mga yabong ng ilalim ng mga puno ng saging, isang kakaibang emosyon ang parang bumigla sa kanyang kaloob-looban,na lingid sa kanyang kaalaman ay sa kauna-unahang pag-kakataon sa kanyang buhay ay nakakaramdam siya ng kalungkutan. Sa kanyang kinauupuan ay lumitaw ang tanging hayop sa kagubatan na binigyan ni bathala ng kakayahang makapagsalita tulad ng kay Enrique.Pinaliwanag ni Enrique ang kakaibang pakiramdam at sinabi rin ni haring kwago na kalungkutan ang tawag sa kanyang nararamdaman. Hirap na hirap si Enrique na ipakita at ilabas ang nararamdaman ngunit batid niya ang bigat ang dulot nito sa kanyang kalooban at sa pag-laon ng pag-uusisa ni haring kwago,habang binabanggit ni Enrique ang mga salitang "bakit ako nag-iisa?",bakit ako nahihirapang mabuhay ng walang kauri?"ay tumulo ang isang makinang na likido mula sa puso ng puno ng saging patungo sa kanyang mga tila nagtatanong at gulong-gulong mga mata.Ang nakakapagtataka ay nagtuloy-tuloy ang pag-agos nito at tinawag itong "LUHA"ni haring kwago.Luha na sa tuwing papatak ay syang magiging tanda ng kalungkutan at paghihinagpis at maging labis na tuwa at kasiyahan.Pinapatunayan na ibigay man sa'yo lahat ng iyong kailangan ay walang magagawa ang mga ito upang ikaw ay pasiyahin ng lubusan dahil walang tao ang mabubuhay ng nag-iisa sa mundo.

-Carl Michael Aguila

No comments: