Noong unang panahon sa isang maliblib at bulubunduking lugar ay may nakatirang isang pamilya ng mga ita. Isang araw sa pangangaso ng tatay sa kagubatan ay sinundan siya ng kanyang anak na suwail, si Taling. Si Taling ang nag-iisang anak ng kanyang mga magulang, siya ay isang makulit at suwail na anak, hindi sumusunod sa kanyang mga magulang at mapangmata sa mga bagay-bagay at tao.
Inutusan siya ng kanyang ina na kumuha ng mga panggatong sa gubat, sa halip ay sinundan niya ang kanyang ama para makalusot sa mga gawain. Sa kanyang paglalakad ay may nakasalubong siyang maitim na baboy, sinusundan siya nito kahit saan siya magpunta, dahil napansin niyang ganun ang ginagawa ng baboy, naisipan niyang paglaruan ito at pagpapaluin hanggang magtatakbo. Tuloy pa din si Taling at nakasalubong niya ang isang matandang puno ng itim-itim na bilog sa katawan, animo'y mga sugat ngunit hindi. Natawa si Taling sa itsura ng matanda at humagalpak ito ng tawa. Hinawakan ng matanda at tinignan si Taling, "bakit mo ako pinalo ng pinalo kanina? Dahil ba sa aking itsura?", sabi ng matanda. Takot na takot si Taling dahil ang nasa isip niya ay ang baboy na maitim. Dahil sa ginawa na iyon ni Taling ay pinarusahan siya ng matanda, dahil sa pagtatawa niya sa maitim na mga bagay ay magiging isa siyang maliit at maitim na bagay na didikit sa katawan ng mga tao.
Nung araw ding yon ay nagtulong ang magulang ni Taling na hanapin siya, ngunit nabigo sila. Dahil sa kalungkutan ng mag-asawa ay naisipan ulit nilang magkaanak. Sa paglabas ng kanilang anak ay may itim na bilog ito sa sa kaliwang parte ng mukha, at dahil dito at bilang pag-alala sa kanilang nawawalang anak at tinawag nilang 'ta-ling' ang markang iyon. At doon nagsimula ang pagsasalin salin ng markang ito.
-Kayle Bacayan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment