Tuesday, July 8, 2008

"Alamat ng tuyong rosas"


Masarap tanawin, magandang pagmasdan ang mga rosas.
Nakakaginhawang amuyin ang humahalimuyak nitong amoy.
Ngunit bakit ganun? Ang iba't-ibang kulay at halimuyak nitong amoy lang ang ating napapansin? pag ba itoy natuyo mapapansin mo pa ba? Halika't alamin natin ang katayuan ng tuyong rosas.
Sa isang bakuran na punong puno ng iba't ibang kulay ng rosas, humahalimuyak ang amoy ng mga ito, nakakabighani at nakakapag bigay ginhawa ang mga kulay nito at ang kagandahan pa nito ay walang kamatayan ang mga rosas na ito. Ang bakurang ito ang paboritong lugar ng magkasintahang Yano at Bhiena. Maganda ang kanilang samahan, masaya at laging nagkukulitan. Si Yano ay lumaki sa simpleng buhay kagaya ng katayuan ng mga simpleng tao. Siya ang taong walang plano sa buhay, nasira ang buhay niya noong panahong kabataan nya pa at halos sumuko na siya at magpatiwakal ngunit sa hindi inaasahang pangyayari na darating sa buhay nya ay makikilala nya pala ang makakapagpabago sa katayuan at buhay nya. Si Bhiena, ang babaeng nagbago ng buhay ni Yano, nagbigay kahulugan sa buhay nya at ang babaeng nagturo kay Yano kung ano ang buhay, simula noon si Yano ay nag iba, nagkaroon ng direksyon sa buhay at bumalik ang pagiging masayahin. Si Bhiena ay lumaki sa luho ng buhay, mayaman at may ipagmamalaki sa buhay. Nag iisang anak sya at walang pinangarap ang magulang nya sa kanya kundi ang magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap at mabuhay kasama ang matalino, mayaman at may ipagmamalaki sa buhay pero gayunpaman ay minahal pa rin ni Bhiena si Yano.
Isang araw nagkita ang magkasintahang Yano at Bhiena sa paborito nilang lugar na kung saan napapaligiran sila ng mga rosas, masaya ang araw na ito sa kanila lalo't higit magkasama sila. Sa gitna ng mga rosas doon sila umupo habang napapaligiran ng iba't-ibang kulay ng mga rosas na kung saan dito sila nag uusap ng mga plano nila sa kanila at tungkol sa mga buhay-buhay. Sa araw na ito may isang pangyayari na kung saan nasabi ni Yano kay Bhiena na "Bhiena alam mo ba kung gaano kita kamahal" iniibig kita kagaya ng mga rosas na nakapaligid sa atin. Alam mo ba kung bakit? Dahil itoy maraming kulay kagaya ng kulay ng buhay na binigay mo sa akin at hindi lang yan dahil ang pagmamahal ko sayo ay walang kamatayan kagaya ngmga rosas na yan. Ikaw ang nagbago ng buhay ko at kung sakaling dumating ang araw na mawalay ka sa akin ang mga rosas na ito ay asahang matutuyo kagaya ng mga dahon sa puno at halaman sa paligid." Ang araw na ito ay hindi makakalimutan ng magkasintahan. Nagtuloy-tuloy ang panahon, sunod-sunod ang maliligayang pangyayari sa magkasintahan ngunit sa pag ibig ay may di inaasahang panahon.
Isang umaga noon nagmamadaling pinuntahan ni Bhiena si Yano. Sa kadahilanang pinagbawalan na si Bhiena na makipagkita kay Yano at kung sakaling mahuhuli si Bhiena at susuway sa utos ng magulang ay ilalayo si Bhiena kay Yano. Ayaw nilang malayo sa isa't-isa. Gayunpaman ay gumagawa pa rin ng paraan si Bhiena upang kahit papaano ay magkita sila ni Yano at mayakap man lang kahit minsan. Sa kasamaang palad minsan ay nahuhuli sa Bhiena ng kanyang mga magulang at tuwing nahuhuli siya ay napapagalitan siya at minsan ay nalalapatan ng mabigat na kamay. Sa tuwing makikita ni Yano ang mga suagt at pasa na latay sa katawan ni Bhiena ay siya ang nahihirapan at nasasaktan dito, sa tuwing umiiyak sa balikat nito ay lalo siyang nahihirapan. Nagdaan pa ang mga araw, mga araw na malulungkot at halos isipin nilang katapusan na ito ng kanilang pagsasama.
Isang gabi nakipagkita si Yano kay Bhiena,pagdating na pagdating pa lang ni Bhiena ay bigla na itong niaykap at hinagkan ni Yano, niyakap ng mahigpit na may kasamang luha at biglang winika ni Yano "Pag dumating ang araw na hindi na tayo magkasama pumunta ka lang sa lugar na ito at pagmasdan ang mga rosas dahil ang mga rosas na ito ay inaalay ko sayo kagaya ng pag aalay ng pag ibig ko sayo." Sa kasamaang palad ito na pala ang huli nilang pagsasama. Isang hapon gulong-gulo sa pag iisisip si Yano kung ano ang pedeng gawing paraan upang hindi na muling mahirapan pa si Bhiena. Wala siayang ibang paraan kundi ang lumisan sa lugar ngunit wala naman siyang mapupuntahang ibang lugar kaya nasagi sa isip niya na magtangka na lang siya sa buhay niya kahit alam nya na labag sa DIYOS ang gagawin niya, kahit alam niya na masasaktan silang dalawa ng lubusan, ngunit alang alang sa kalayaan ni Bhiena sa kahirapan ay ginawa niya ito. Isang gabi si Bhiena ay pumunta sa bahay ni Yano upang alamin na ang kalagayan nito at kamustahin siya pero wala si Yano sa bahay kaya nagbakasakali si Bhiena na si Yano ay nasa paborito nilang lugar pasyalan, dali-daling pumunat si Bhiena dito may napansin siyang isang taong nakahandusay sa gitna ng mga rosas pinuntahan niya ito at bigla siyang nagulat ng makita niyang si Yano na pala ang taong nakahundusay dito. Tumulo ang luha niya, niyakap niya ng mahigpit si Yano habang umiiyak, dahil hindi niya inaasahan na gagawin ni Yano ito habang nalipas ang oras may napansin siyang isang bagay, bagay na kakaiba. Nakita niya na ang mga nakapaligid na rosas sa kanila ay nag iba ng kulay, natuyo ang mga ito na para bang dahong natutuyo, ang bagay na ito ang lalong nagpahabag kay Bhiena dahil naalala niyang lahat ang mga bagay na sinasabi ni Yano sa kanya nung nabubuhay pa ito lalong tumulo ang luha niya. Nagdaan ang maraming panahon, walang sinayang na araw at oras si Bhiena kundi ang puntahan lang ang bakurang puno ng tuyong rosas upang balikan ang masarap at maliligayang araw nila ni Yano. Ng mga panahong ito ay unti-unti niyang naintindihan kung bakit nagawa ito ni Yano. Dahil sa walang hanggang pagmamahal ni Yano at pagsasakripisyo para sa kalayaan ni Bhiena nag umpisa ang pag usbong ng "Tuyong Rosas."
Life is too short so play hard! -brOwn rOseS`
zEke Almanza

1 comment:

Unknown said...

Sana hindi na lang natuyo ang mga rosas para maipkaita that true love never last and maipakita na kahit mamatay man si Yano magkasama pa rin silang dalaw. (but kapag ginawa 'to mawawala na yung thought ng title :p)