Monday, July 7, 2008

Ang Alamat ng Papaya

Sa isang malayo at liblib na bayan ay may isang Dyosa na naninirahan sa Bundok ng Luntiang Talulot. Siya ay napakaganda, balingkinitan ang katawan, mahaba at maitim ang buhok, mapula ang mga labi at may napakagandang kutis. Siya ay nagngangalang Payan. Malaya siyang nakikisalamuha sa mga normal na nilalang ngunit lingid sa kaalaman ng nakakarami ay isa siyang Diyosa.
Isang araw, may isang mayamang lalaki ang napadpad sa bundok kung saan naninirahan si Payan. Siya ay si Panyong may matipunong pangangatawan at makisig ang itsura. Naligaw siya sa kanyang pangangaso at di alam ang daan pabalik ng bayan. Napansin agad siya ni Payan at nabighani sa unang tingin.
"Ginoo, anong iyong ginagawasa lugar na ito?", tanong ni Payan.
"ako ay naligaw mula sa aking pangangaso," sagot ng binata.
"Maari mo ba akong samahan sa daan palabas sa kagubatang ito?", paki-usap ng binata.
"Oo, sige sasamahan kita," tugon naman ng dalaga.
Sa kanilang paglalakad ay di maiwasan ang sila ay magkatinginan at napansin agad ng binata na lagingnakatingin sa kanya ang dalaga. Matagal din ang oras na lumipas at narating din nila ang bayan. Doon ay naghahanap na ang lahat sa binata lalo na si Maria, ang anak ng Gobernador na namumuno sa bayan.
Dahil sa labis na saya ng binata, ay hindi na siya nakapagpasalamat kay Payan at bigla na lang ito nawala sa kaniyang paningin. Hindi alam ni Payan na ikakasal na si Panyong kay Maria.
Isang araw ay may lumabas na balita na labis niyang ikinagulat at ikinasama ng loob ng dyosang si Payan. Ikakasal na si Panyong sa susunod na araw.
Bago ang araw ng kasal ay naalala ni Panyong na magpasalamat kay Payan sa pagtulong sa kaniya. Pumunta siya sa bundok na tinitirhan nito at lugar kung saan sila unang nagkita ngunit nabigo siyang matagpuan ang dalagang hinahanap. Sa halip tanging naririnig niya ay ang malungkot na tinig na umiiyak. Labis niya itong ikinatakot at umuwi na lamang sa bayan.
Mabili na lumipas ang arwa at wala na siyang balita tungkol sa dalagang naninirahan sa bundok kahit ang mga taga-bayan ay nagtaka sa biglang pagkawala ni Payan.
Isang araw habang nangangaso si Panyong sa kagubatan, ay may napansin siyang kakaibang puno sa lugar kung saan sila nagkita ni Payan. Pinitas niya ang bunga nito at biglang tumulo ang katas nito na parang lumuluha. Mula noon ay tinawag niya itong PAPAYA at nakilala ito mula sa araw na iyon.

No comments: